Bawal ang Ingles

Amo: mula ngayon, walang magsasalia ng ingles. ang sinumang magpapadugo ng ilong ko at sa mga anak ko, palalayasin sa pamamahay na ito! Klaro!?

Inday: ang mga namutawi sa iyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkap ng pananalita ang aking binhing kaugnayan.

Amo: Leche! di kami sinauna! yung makabago ang gusto ko!

Inday: Ay tarush! pachenes-chenes pa tong chorva eklavuboo chuva tabayishki kun supladish! Gash! haller!… feeling ek ek…

Vacuum Cleaner

Ako si Gregorio Magtangol, isang Mechanical Engineer sa Pilipinas.

Sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, pati pag se-salesman ng vacuum cleaner ay pinasok ko na.

Minsan, pumunta ako sa isang bahay sa isang barangay. Kumatok ako sa pinto… Isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. mabilis akong  pumasok papunta sa sala nila para di na makatangi sa presentation ko.

Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng  SM at ibinuhos lahat ng lamang tae ng kalabaw sa carpet. this was a technique taught to me In selling to get a massive and immediate attention from the buyer.

Sabi ko sa kanya w/ confidence: “Misis, pag di nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa yan!”, ang mayabang na sinambit ko.

“Gusto mo ng ketsup para diyan?”, tanong ng babae.

Sabi ko, “Bakit po?”

“Eh, kalilipat lang namin. wala pa kaming kuryente.”

Stepler

BATA: Pabili nga po ng ubas….
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN….
BATA: Pabili nga po ng ubas…..
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT….
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas….
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT ….
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas

DVD

ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk…
FPJ: Anong title?
ERAP: “The Lens Cleaner” 

DNA

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na…
REPORTER: sir, ano po yung DNA ???
Police: “Di Namin Alam “

Bagong salta sa America

Bagong salta sa America, yung Pinoy ay gustong mag-long distance sa Pilipinas kaya dinayal yung “0 for Operator”.
Operator: AT&T. How may I help you?
Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis.
Operator: Name of the party you’re calling?
Pinoy: Aybegyurpardon? Can you repit agen plis?
Operator: What is the name of the person you are calling?
Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu.
Operator: Please spell out the name of the person you’re calling phonetically.
Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali?