jump to navigation

ang paghihiganti March 7, 2006

i first read this last 1999, i already forgot the source, i hope you like it.

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal. “Huwag,” sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya’y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo’t naiisipan mong gawin yan?
Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko’t sumama sa ibang babae.
Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.
Babae: So, anong gagawin natin? Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi…
Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.
Babae: Paanong paghihiganti?
Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin…(sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang parinig na yon)

Maya maya’y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari na nga ang ‘di dapat mangyari….Nang makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi. Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae
Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni babae. Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi nang:
Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hiling, muling pinagbigyan niya si babae. Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hitit pa lang niya ay:
Babae: Ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae. Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan palang nang biglang:
Babae: Ganti uli tayo.
Lalaki: (Pagod na) Tang*na mo, patawarin na natin sila!!!!

  :D :D

Comments»

no comments yet - be the first?


Bad Behavior has blocked 94 access attempts in the last 7 days.