Vacuum Cleaner

Ako si Gregorio Magtangol, isang Mechanical Engineer sa Pilipinas.

Sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, pati pag se-salesman ng vacuum cleaner ay pinasok ko na.

Minsan, pumunta ako sa isang bahay sa isang barangay. Kumatok ako sa pinto… Isang malaking misis ang nagbukas sa akin. Pero bago nakapagsalita ang babae, inunahan ko sya. mabilis akong  pumasok papunta sa sala nila para di na makatangi sa presentation ko.

Katulad ng utos ng boss ko, binuksan ko ang isang plastic bag ng  SM at ibinuhos lahat ng lamang tae ng kalabaw sa carpet. this was a technique taught to me In selling to get a massive and immediate attention from the buyer.

Sabi ko sa kanya w/ confidence: “Misis, pag di nalinis ng vacuum cleaner ko NGAYON ang mga tae sa carpet niyo, kakainin ko isa-isa yan!”, ang mayabang na sinambit ko.

“Gusto mo ng ketsup para diyan?”, tanong ng babae.

Sabi ko, “Bakit po?”

“Eh, kalilipat lang namin. wala pa kaming kuryente.”

Stepler

BATA: Pabili nga po ng ubas….
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN….
BATA: Pabili nga po ng ubas…..
TINDERO: Wala kame ubas
KINABUKASAN ULIT….
BATA: Mama, pabili nga po ng ubas….
TINDERO: Sinabi na ngang wala e! Pag nagtanong ka pa, iistepler ko na yang bibig mo!
AT KINABUKASAN NA NAMAN ULIT ….
BATA: Mama, may stapler kayo?
TINDERO: Wala..
BATA: Pabili nga po ng ubas

DVD

ERAP: Soli ko tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, tsaka sound. Sayang. Suspense thriller pa yata to. Tsk, tsk…
FPJ: Anong title?
ERAP: “The Lens Cleaner” 

DNA

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na…
REPORTER: sir, ano po yung DNA ???
Police: “Di Namin Alam “